10-minute Script for Stage
Ang Sultan, Ang Binukot at Ang Uripon
(Halaw mula sa The King, The Princess and the Poor Boy a Filipino Folktale)
Adaptasyon ni: Victoria Rose M. Villas
Mga Tauhan:
SULTAN SAFWAN: Ang sultan ng Sulu, ang sultan na magbibigay kapahamakan sa
sarili niyang bayan, siya din ang ama ng binukot na si Heza na lihim
na itatago dahil ayaw niyang makapangasawa ito, at ito ay para sa
kanya lang. Ang baliw na sultan.
BINUKOT HEZA: Ang prinsesa ng Sulu na ang ngalan ay nangangahulugang
kagandahan sa Arabiko, sa kagandahan nito mahuhumaling ang
kanyang sariling ama.
SUMAKWEN: Isang uripon o alipin na papamanahan ng music box at siyang
nakatakdang magligtas sa sultanatu.
SATTAR: Ang tanga at masamang babaylan na gustong mamuno bilang
punong babaylan ng buong Sulu.
JAAN: Ang punong babaylan na magsusumpa.
BABAR: Ang punong sundalo ang pinagkakatiwalaan ng sultan sa
kanyang desisyon.
BAI: Isang maykaya sa lipunan ng sultanatu at laging buhat-buhat sa
duyanan at ginagalang ng lahat
ADLA: Ang dama ni Binukot Heza.
Tagpuan
Makikita sa entablado ang karaniwang tahanan ng sultan na maraming nakasabit na telang hinabi bilang mamahaling palamuti doon din sa gitna'y nabungad ang puting telang nagtatakdang silid ng binukot o prinsesa. Sa pagsisimula ng dula makikita ang sultan na nakangiting nakasulyap sa anino ng anak niyang inaayusan , papasok ito sa kwarto at makikita lamang mula sa mga manunuod ay mga anino lamang na nalikha sa likod ng puting tela ang mga pangyayari, sa pagpasok ng sultan sa kwarto haharang ito ng uripon na babae ng prinsesa.
ADLA: Mahal na sultan ang mahal na binukot ay nag-aayos pa.
Ngunit dire-diretso pa ring pumasok ang sultan. Lumapit siya sa anak na dalaginding.
SAFWAN: Habang tumatagal ay lalo kang gumaganda, malapit na ang iyong
ika-labingtatlong kaarawan, magdadalaga ka na aking binukot.
(Hinawi nito ang buhok ng prinsesa tumayo ang sultan at umalis
mula sa kwarto.)
Sa pag-alis ng hari mapapalingon ito sa kwarto, makikita sa anino ng binukot na bubuksan nito ang kahunang musika at papatugtugin, iiling ang hari at ngingiting may halong pag-ibig dahil sa pagkagusto nito sa musikang naririnig. Mula sa di kalayuan sa kwarto makikita niya ang kanyang tauhan na si Babar bigla nitong iyuyukod ang ulo na para bang di nakita ang sultan.
SULTAN: Aking butihing tauhan ako'y may mahalagang ipag-uutos.
Paghandaan ang kaarawan ng aking binukot, ikulong ang prinsesang
maganda sa ilalim ng palasyo'y itago siya,lahat ng nakakita na at may
alam tungkol sa kaniya, sila ay ang piging na idadaos kitilin ang buhay
nila, kahit pa'y ang kabiyak na dayang-dayang. At siguraduhing walang
makakaalam ng dahilan na pagkawala ng isa man sa kanila.
BABAR: Masusunod po mahal na datu.
Blackout. Magbubukas ang ilaw sa entablado doo'y nakahandusay at naghihingalo ang lalaking di na makilala ang mukha dahil sa balbas at dumi sa mukha.
SUMAKWEN: Ama! Anong nangyari sa iyo ama!
BABAR: Ito ang isang kahunang musika, ito ang aking pamana, sana sa
kahirapan ay maaliw ka. Maitatago mo ang iyong kayamanan at
bantayan mo ito ng lubusan at sa bandang huli mo ito
mapapakinabangan. Huwag mo ng alamin pa ang aking kamatayan
at ito lamang ay magiging iyong kapahamakan. Hayaan mo na ko
dito'y mahimlay anak, wala tayong sapat na panggasta sa aking
libingan.
SUMAKWEN: Ama! Ama! di ako makakapayag na kahit sa huli ay di kita
mabibigyan ng marangal na kamatayan gagawa po ako ng paraan.
Tulong! tulong!
Sa di kalayuan papalapit ang isang Bai na sakay ng duyan at buhat-buhat ng kanyang alipin.
BAI: Ano ang nangyari uripon?
SUMAKWEN: Kailangan ko pong maipalibing ang aking ama ngunit wala akong
sapat na panggasta dito,handa po akong maging iyong uripon kapalit
ng maayos na libing para sa aking ama kagalang-galang na bai
marikit.
BAI: Ika'y kaawa-awa, (sa isang alipin) gawin niyo iyon at isama ang
uripon na iyan.
SUMAKWEN: (Hinawakan ang kamay ng bai sa sobrang saya) Maraming-maraming
salamat po.
URIPON: Pangahas ka hindi maaring hawakan ng isang uripon ang isang bai.
BAI: Hayaan mo na dala lang ito ng kanyang kagalakan. (Palihim na
naantig ang puso ng matandang dalaga. At napangiti ito.)
Nagsimulang maging alipin si Sumakwen naging masipag at matiyaga ito. Napansin ito ng matandang bai na uhaw sa pagkakaroon ng anak, kinausap niya si Sumakwen at sinabing siya'y magiging kaniyang ampon.
BAI: Sa iyong taglay na kasipagan at kabutihan ika'y akin ng ituturing na
anak anong akin ay iyo na rin.
Blackout. Sa pagsindi ng ilaw nagsusulat si Sumakwen sa bintanang puro alikabok at kasabay binibigkas ang mga salitang iniwan ng ama.
SUMAKWEN: Ma-i-ta-ta-go mo ang i-yong ka-ya-ma-nan at
ban-ta-yan mo i-to ng lu-bu-san at sa ban-dang hu-li mo i-to
ma-pa-pa-ki-na-ban-gan.
Sa di kalayuan ay naroon ang sultan at narinig ang sinabi niya. Nakita rin nito ang sinulat niyang bandalismo mula sa alikabok.
SULTAN: Alamin kung sino ang lalaking iyon,ano ang ibig sabihin ng kaniyang
sinulat ngayon din ipapatay siya.
BAI: Ngunit siya ay aking tinuturing na anak,huwag po sultan.
SULTAN: Kung ganun man ipatapon mo siya sa malayo at sa oras na bumalik
siya ay aking ipapatay!
Magdidilim ang entablado. Tutunog ang himig mula sa music box. Liliwanag ng unti-unti ang ilaw sa entablado kasabay ng linya ng sultan.
SULTAN: Musika sa pandinig ko ang himig niya kasabay ng kahunang
musika, kay tamis ng aking munting binukot. Sa kadiliman tila siya ang
tanglaw tila nagkukubling bituin sa kalangitan. Siyang hahangaan ng
lahat ng kalalakihan sa aking kasuluan. Walang karapt-dapat
umangkin sa kanya. Ngunit sapat na ang gulang niya upang siya ay
makapangasawa. Kanyang kasal ay aking ihanhanda na. Ngunit wala
nitong makakaalam tanging ako lang. Marapat sigurong ipapatay lahat
ng babaylan upang wala ni isa ang makapanghula sa natatago kong
tadhana. O di kaya'y alam na ng binatang nagsulat na ampon ng Bai
ang katotohanan? Dapat siyang mamatay! Ngunit malayo na siya
upang magulo pa ako! (Tatawa ng malakas) Kabataan nga naman
sadyang mapangahas ngunit ito'y napakatamis. Kailangan kung
puntahan Sattar siya ang tatapos sa lahat ng babaylan lilinlangin ko
ang kalinlanglinlang na tulad niya.
Tatawa ng tatawa ang sultan at dahan-dahan mamatay ang ilaw.Magdidilim ang entablado.
Sa papasok ang Datu muli sa entabladong halos di masinagan ng ilaw kakatwang ipapakita na para itong gubat.
SULTAN: Ito na nga kaya ang tahanan ni Sattar?
Mula sa kadiliman isang nababalot ng kasuotang itim ang magsasabing,
SATTAR: Ako ba ang hinahanap mo?
SULTAN: Ulo ng lahat ng babaylan kapalit ang posisyon mo bilang
punong babaylan sa aking sultanatu.
SATTAR: Ako'y pumapayag bago mo pa man ihain ang iyong plano'y
nahinuhaan ko na sa ang aking ko nga ba namang katalinuhan at
kakayahan. Iba ako sa kanilang lahat ako si Sattar.(tatawa ng
malakas ngunit mapipigilan ng sultan.)
SULTAN: Bago mo itaas ang sariling upuan kalakasan mo muna'y patunayan.
Pagkadaka'y lahat ng babaylan ay napuksa ng masamang sultan at ng sakim na babaylan. Kanilang hinuha'y di napakinabangan pagkat shaytan ang kasabwat ng kanilang kapalaran.
SATTAR: Mahal na sultan iisa na lamang po ang natitira(Sabay tatawa
ang dalawa)
SULTAN: Huwag mong sapawan ang aking kagalakan! (Tatawa ng
mas mahina si Sattar)
SATTAR Si Jaan na lamang, iyong punong babaylan. Aruuuu! (nagulat
sa paglingon niya ay nakita niya si Jaan)
JAAN: Masamang Sattar di lang kasakiman ang iyong hatid maging
ang iyong pangalan siyang nagwawangis sa iyong tindig ibig
sabihi'y kasalanan kadugtong ang pagtatago nga kamalian,
isang tangang babaylan pagdating ko ba'y di mo
nahulaan. Gayundin naman ikaw haring masama, puso mo'y
sintigas ng bato tulad ng ngalan mo. Ikaw ang dahilan kung bakit
ang sultanatu'y prinsesang Hezang maganda larawan ng
kanyang pangalan ay nilimuot ang dahilan kung bakit ang buhay
mo ay masalimuot. Iyong abang tauhan kusa'y lumapit ngala'y
tagapagprotekta iyon ang ibig. Ngayon sultanatu'y
puprotektahan sa tulad niyong walang habas ang kasamaan,
sumpa ko'y iyong tanggapin magdadanas ng kahirapan (Sa galit
ng sultan ay nahatak niya ang espada sa kanyang sundalo at
naitagpas sa ulo ng babaylan ngunit patuloy itong nagsasalita)
mga tao sa iyo ilalaan ang sisi, Zar sayo'y hatid. Kamatayan ay
siyang dusa kaligtasan ay taglay ng sa pinamanahan ng
kahunang musika.
Sa sobrang galit ng sultan pati ang nanahimik na si Sattar ay inespada niya.
SATTAR Ba-kit di ko i-yon nahinuhaan na a-ko'y mamatay na a-
SULTAN Dahil ika'y mangmang (Tatawa ng tatawa ang sultan) Aking
binukot narito na ako! Ang iyong kasal ay aking ihahanda na.
(Tutugtog ang musikang kahunan at sasabayan ito ng indayog ng
hari na makikita mula sa anino ngunit mapapahinto ito.) Ngunit
ang sumpa! Hindiiiiiiii!
Biglang pagpatay ng ilaw sa entablado kasabay ng sigawa niya.
Sa Jolo, Kung saan na nakarating ang kaawang gutom na si Sumakwen na ilang araw ng nalipasan, dala-dala niya ang kahunang musikang paulit-ulit niyang pinapatugtog.
LALAKI Napakaganda naman ng musika niyan? Sayo ba iyan o
ninakaw mo lang? Bibilihin ko na lang mukhang kawawa ka na at
nagugutom. Pagkatapos ay mabaho ka na, bili ka na lang ng
pagkain mo.
SUMAKWEN: O sige po, maraming salamat sa iyong dalang kabutihan.
Pagkadaka'y umalis agad ang lalaki. Patuloy na naglakad ng ilang pang oras si Sumakwen upang humanap ng makakainan ngunit di sa kalayuan ay nakita niya ang mga taong nag-uusap panadali'y napahinto ito at napangkinggan ang usapan ng di sinasadya.
KORO 1 Bali-balita'y ang Sultan ay sadyang nabaliw na kung minsan ay
tumatawa ng mag-isa paminsa ay umiiyak din siya tulad ng Zar
tama ba?
KORO 2 Oo iyon nga yun, pero sa may sanib ng demonyo, o kaya'y
binubulungan ng shaytan sa ibang pagpapakahulugan, at ang
sabing tagapagligtas niya ang lalaking may hawak ng kahunang
musika. Malaki ang halaga na ibibigay ng Sultan maging ang
kanyang anak na binukot.
KORO 1 May anak ba siya?
KORO 2 Masyado ka naman pakialamera ng buhay ng may buhay. Ay!
alam mo ba'y kani-kanina lang may lalaking nagpanggap na siya
ang may-ari ng kahunang musika pero nako! Dinakip lang siya at
ipapatay ngunit balita'y nakatakas tangay iyong kahunang
musika!
KORO 1 Halika na't madami tayong gagawin baka hinahanap na tayo.
Pag-alis ng dalawang babae sa entablado siya naman ang pinuwestuhan ni Sumakwen na gutom na gutom.Biglang may tumakbong lalaki at inihagis ang isang kahon na nagkataon ang kanyang kahunang musika tiningnan lang niya ito at winalang palagay.
LALAKI Sa iyo na iyan!
SUMAKWEN Ilang araw araw na akong walang makain, kung nakinig lang
ako kay ama "Na itago ang bigay niyang kayamanan at
bantayang lubusan ng upang sa huli ay akin mapakinabangan",
sana'y mas malaki ang aking kinita. ( Inihagis niya ang kahunang
musikang hawak aalis na sana siya ng bigla itong tumugtog.)
Ang kahunang musika!
Nagmamadaling pumunta sa tahanan ng sultan at pagkuwa'y nagkubli sa pagkatakot na matulad din siya sa lalaking nauna.Pagsapit ng dilim ay umakyat siya sa inakala niyang silid ng hari ngunit sa prinsesa pala, mula sa anino ay tinawag nito si Sumakwen.
BINUKOT Tulong! tulungan mo ako! (Akmang lalapit si Sumakwen pero
pinigilan niya ito.) Huwag! Huwag mo akong lapitan kung ayaw
mong ipapatay ka ng aking ama, iligtas mo ako, ang kahunang
musika!
Biglang may yabag na papalapit nagkubli si Sumakwen sa likod ng tela.
SULTAN Akin binukot o mahal kong dalaga, narito na ako. Ika'y ganap ng
dalaga.(makikita sa anino na hinahawi nito ang buhok ng
prinsesa at dahan-dahang hinahaplos ang braso, pinatugtog ni
Sumakwen ang musika upang matitigil ang nagbabadyang balak
ng sultan ngunit sa pagtugtog ng musika'y sinabayan niya ang
haplos patungo sa kamay nito at inakay upang sumayaw.)
Matapos ang tugtog hinawi ni Sumakwen ang tela at makikita ng lahat na mag-isa lamang sumasayaw ang sultan. Nagulat ang sultan at napalingon ngunit ang kamay niya'y nakalutang sa hangin na parang may kahawak pa din. Nakalingon lang ulo niya at sinabing -
SULTAN Sino ka at bakit hawak mo ang kahunang musika ng aking
anak, ng aking binukot.
SUMAKWEN Nasaan ang binukot? Pakawalan mo siya,napakasama mong
sultan!
SULTAN (Pagkasabi nito'y bigla niyang binababa ang anak niya) Ay! Pinatago
ko na siya! Bakit nasa iyo iyan!
SUMAKWEN Pinama ito ng aking ama!, kaya't bakit ito'y magiging sa inyo!
SULTAN Pangahas! ngunit kung gayo'y ikaw ang aking tagapagligtas,
kaya ang buhay mo'y aking papalayain kapalit ng aking
kaligtasan. Sino ang iyong ama?
SUMAKWEN Ang uripon na si Babar!
SULTAN Ang uripon na si Babar ngunit siya'y aking sundalo ang
pangahas na iyon! Ikaw ang walang hiyang anak ni Babar! Nang
dahil sa kanya'y napahamak ang aking binukot,(sa prinsesa)
hindi ko iyon sinasadya aking sinta. Dahil sa ama mo! Siya ang
may dahilan kung gayo'y ang kahunan talaga sa binukot. Hindi
ko malilimutan ang araw na iyon, ang kamatayan ng iyong ama,
siyang binukot ang nagkamit.
Galit na galit si Sumakwen akma niyang sasaktan ang sultan ng saktong pagdating ng tauhan nito at napigilan siya.Patuloy nagkwento ang sultan.
SULTAN Sinagip siya ng aking binukot, o aking binukot. Hinarang niya
ang para sa iyong walang hiyang ama. Inutusan ko siya na
patayin ang lahat ng nakakaalam tungkol sa aking sinta. Ngunit
tinalikdan niya ito at binantaang buhay mo ang kapalit. Sa aking
katalinuhan ay natapos ang buhay nila. Sinunod ang iyong ama
pagkat alam din niya! Ngunit natakasan niya ito a-at ang binukot
ko! ang binukot ko! ngunit makailang araw lang ay akin siyang
natagpuan at pinatay (tatawa ng malakas). Bilang kaparuhasan
katawan niya'y aking pinabayaan upang pagpigingan ng uod,
mga langaw at maging ang mga buwitre!
SUMAKWEN Walang hiya! Ikaw ang pumatay sa aking ama! Pati ang
prinsesa saan siya nakatago!
Akmang kakawala siya sa mga tauhan ngunit pinigilan siya ng mga ito. Nagdidilim sa galit si Sumakwen. Tinanggal ng hari ang kumot at tumambad ang bangkay na inuuod na nakasuot ng pangkasal na kasuotan.
SULTAN Aking mahal bukas na bukas tayo'y ikakasal, mahal ko narito na
ang aking tagapagligtas. Ikulong siya!
Sa sobrang galit ni Sumakwen nakawala siya at nahatak niya ang espada't naitagpas sa ulo ng Sultan. Sa kanyang kabataan siya'y nahintakutan sa sarili niyang nagawa at dala na rin ng kagutuman, naghalu-halong emosyon dahil sa nalaman kasabay nito ang malakas na hiyawan ng kalayaan.
MGA ALIPIN Mabuhay ang bagong sultan! Mabuhay! Mabuhay!
Mamatay ang ilaw sa entablado, pagkuwa'y sisindi ito at magpapatay sindi ang ilaw, mula sa entablado makikita ang anino ni Sumakwen at ng prinsesa na nagsasayaw sa saliw ng tugtog ng kahunang musika.
Blackout.