ENGLISH-FILIPINO TRANSLATION
GENERAL REMINDERS (few minutes before the session starts)
The session will start in a few minutes. Here are some reminders before we begin. One, Please mute your
microphone. Two, turn off your camera or video mode. Three, make sure you are free from any external
noise that may be captured during our video conferencing. Four, secure a conducive area with good
lighting and plain background. Five, dress appropriately and show your best appearance on camera. If you
have any questions or reactions during the session, you may type them in the chat. Thank you for your
cooperation.
PANGKALAHATANG PAALALA (ilang minuto bago magsimula ang sesyon)
Magsisimula ang sesyon ilang minuto ang lilipas. Narito ang ilang mga paalala bago ang ating pagsisimula.
Una, mangyaring i-mute ang inyong microphone. Ikalawa, isarado ang inyong camera o video mode. Ikatlo,
siguraduing malayo o walang maririnig na mga eksternal na ingay na maaaring makasagabal sa daloy ng
video conference o habang nangyayari ito. Ikaapat, humanap ng maayos at maliwanag na espasyo at
background na nagatataglay ng isang kulay lamang. Ikalima, magdamit nang tama kung saan mapapalitaw
ang inyong desente at maayos na sarili sa harap ng camera. Kung mayroon kayong katanungan at reaksyon
habang nangyayari ang sesyon, mangyaring isulat lamang ang mga ito sa chat. Maraming salamat sa
inyong kooperasyon.
-----------------------------------------------------------------
SPECIFIC REMINDERS (pre-conference, during LIVE session)
Ateneans, please direct your attention to the screen. Please be reminded of the following. One, mute your
microphone when you’re not talking. Two, refrain from using vulgar or inappropriate words online and
during our class discussion. Three, focus. Refrain from opening any other applications during our live
session. Four, raise your virtual hand when you want to talk. Five, type OK to Record in our chat room to
allow the teacher to record this session. This is for the benefit of your classmates who are absent today.
Thank you for your cooperation.
MGA TIYAK NA PAALALA (bago ang conference, habang nangyayari ang LIVE sesyon)
Mga Atenista, bigyang pansin ngayon ang inyong screen. Pinaalalahanan ang lahat sa mga sumusunod.
Una, i-mute ang inyong microphone kung hindi kayo magsasalita. Ikalawa, iwasan ang paggamit ng mga
bulgar at hindi kaaya-ayang mga salita habang naka-online o habang nagyayari ang diskusyon sa klase.
Ikatlo, magpokus. Ikaapat, itaas ang iyong birtwal na kamay kung nais mong magsalita. Ikalima, isulat sa
chat ang OK to Record upang mairekord ng guro ang sesyon. Ginagawa ito para sa mga estudyanteng
nakaliban sa araw na ito. Maraming salamat sa inyong koopersayon.
-----------------------------------------------------------------
UNIVERSAL Prayer
Before we begin our session this morning, I invite everyone to make the sign of the cross. In the name of
the father, and of the son, and of the holy spirit, Amen. Lord, we offer to you our class today, we pray that
through your divine guidance, we would learn how to listen attentively to the inputs of our teacher. May
we appreciate our teacher’s effort in imparting knowledge to us. May we participate actively in the
discussions and activities so we could learn more, while having fun. May we value each other’s
contributions as a building block towards harmony and peace. Grant that as we interact with one another,
we recognize the fact that all our learning activities should be accomplished for your greater glory. Grant
that we recognize you in each of our classmates and teachers. We pray that you keep as away from harm
and illnesses, and we would be able to apply correctly what we have learned from school. All these we
ask in your powerful name, amen.
UNIBERSAL NA PANALANGIN
Bago magsimula ang sesyon natin ngayong araw, inaanyayahan ang lahat na gawin ang tanda ng ating
pagiging Kristiyano. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen. Mahal naming Ama, inaalay
namin sa Iyo ngayon ang aming klase, ipinagdarasal namin sa pamamagitan ng inyong banal na paggabay,
na matutunan nawa naming makinig sa mga ibabahagi ng aming guro. Nawa’y mapahalagahan namin ang
mga ginagawa at pagsisikap nila nailahad ang kanilang nalalaman alang-alang sa ikauunlad ng aming mga
sarili. Nawa’y maging aktibo ang aming pakikilahok sa mga diskusyon at mga aktibidad upang kami ay
maging masaya habang natututo pang lalo. Nawa’y mapahalagahan din namin ang kontribusyon ng bawat
isa bilang pakikiisa sa pagbuo ng matiwasay at matibay na pagsasama. Nawa’y habang nakikisalamuha
kami sa isa’t isa’y maalala namin na ang lahat ng gawaing dapat naming isakatuparan ay para sa ikalulugod
Mo. Nawa’y masilayan Ka rin namin sa pamamagitan ng presensya ng aming mga kaklase at guro.
Ipinapanalangin naming ilalayo Mo kami sa masama at sakit, at magamit namin nang tama ang mga
natutunan namin sa paaralan. Lahat ng ito ay isinasamo namin sa lubos na makapagnyarihang Ama, Amen.