Ang kontrata ng trabaho na iyong sinang-ayunan ay para sa tagal na dalawang (2) taon. Pagkatapos ng tatlong (3) buwan, nagsimula ka nang humiling na wakasan na ang iyong kontrata at sinubukang umalis ng ilang beses sa maraming kadahilanan. Nung una, ang sabi mo’y may kanser ang iyong asawa at nung huli naman, sinabi mong ang iyong asawa ay may kinakasamang iba. Ang iyong orihinal na kontrata ay para sa dalawang (2) taong serbisyo na may $10,000 na sweldo.
Ipinaalam sa amin ng placement office na ika’y nagpasa ng reklamo laban sa amin sa embassy. Nais kong ipabatid sa’yo na ni minsan ay hindi kami tinawagan ng embassy ukol dito. Sa ngayon, ikaw ay may problema sa placement office dahil sila ang magbabayad ng gastos at maghahanap pa sila ng ipapalit sa’yo. Kailangan mong pumunta sa embassy kasama ang taga-placement office para ipahayag na handa kang ipagpatuloy ang iyong kontrata o ipagpatuloy ang iyong pag-uwi. Kapag pinili mong umuwi, ikaw ay mapapabilang sa mga taong nasa black list at hindi na mapapayagang magtrabaho abroad magpakailanman.
Dahil sa iyong reklamo sa amin, ang aming kusang ibinigay na 2,000 SR sa iyo para sa dalawang Eids (kapistahan) ay mapapabilang na sa iyong sweldo.
Kami, bilang isang buong pamilya, ay istrikto sa trabaho. Gayunpaman, kami ay mapagbigay sa lahat ng aming mga tapat na manggagawa na nagtatrabaho ng maayos. Kami ay nagbibigay ng karampatang benepisyo at tulong pinansyal labas pa sa sweldo.